<< September 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Monday, July 20, 2015
July 20 2015 #CoC
Hi Babe,

Madaling araw na naglalaro pa ako ng Clash of Clans. Kasalanan mo to.

Ang totoo, pinilit ko lang aralin tong laro na ito. Dahil para pag naguusap tayo, may mapag uusapan tayo. Para hindi boring. Para malaman mo na interesado din ako sa mga bagay na gusto mo. Kita mo babe, gang ngayun iniisip ko pa din ikaw. Alam mo ba, nalilibang ako sa paglalaro nito.

Babe, parang Clash of Clans tayong dalawa. Bakit? kasi pag hindi maganda ang depensa naten sa isa't isa, sure yun madali tayo maaattack. Madaming makukuhang loot ang mga goblin (chismosa), madaming masisira ang mga giant(problema).

Babe ko, ikaw ang barbarian king ko. Ako naman ang healer mo. Pag nasusugatan ka, gagamutin kita. Pag nanghihina ka na sa laban, papalakasin kita. Kahit ako nalang ang panain ng mga archer, kahit ako nalang ang itarget ng air defense, basta maging okay ka lang, okay lang din ako.

Sana magkabalikan na tayo. Ang kulit ko no?Love na love pa din kasi kita eh.


Posted at 1:51:54 am by Milouganda
 

 
Sunday, July 12, 2015
Madaling Araw
Hi babe!

Dalawang linggo na mula nung magstart ako magwork. June 26, Firday yun nung nagpunta ako sa orientation namen para sa work. Naalala ko nga na sobrang supportive mo sa akin noon. Masayang masaya ako kasi may work na ako finally after ilang buwan na wala ako ginagawa. Masaya din kasi kahit papaano... may iba na akong pagkakaabalahan.

Dalawang linggo na ang lumipas. Dalawang buwan na din ang lumipas mula noong nakipaghiwalay ka sa akin. Ang corny no? Hanggang ngayon hindi pa din ako maka get over.
Siguro sa kasabihang "forgive and forget"; yung forget ang mas mahirap gawin.

Nagdesisyon tayong dalawa na manatiling friends. Pero ang totoo, ang hirap pa din.

Alam mo ba na may ikinakatakot ang puso ko ngayon?

Yun yung dahil sanay ka na na hindi ako nakikita, sanay ka nang itrato ako bilang kaibigan at dahil may trabaho na ulit ako, baka bukas makalawa... masanay na din ako na hindi ka na parte ng araw araw ko.

Ayoko babe.

Mahal pa din kita.

Sana bumalik na tayo sa dati.

Posted at 2:35:36 am by Milouganda
Make a comment  

 
Wednesday, June 24, 2015
Unang Araw Ulit
Hi babe,

Sabi mo aalis ka today. Pupunta ka sa house ng high school classmate mo kasi fiesta sa kanila. Fiesta ng San Juan ngayun.
Galing to sa facebook account mo, nakita ko lang

Kanina kausap kita. Masaya ako kasi kahit wala na tayo, nagkakausap at kinakausap mo pa din ako.

Bakit kaya ganun babe? Bakit kahit alam kong malabo na maging tayo ulit, hindi pa din ako umaayaw?

Babe, alam mo... ang dami dami ko sana gusto ikwento sayu. Or, marami sana ako gusto ipaalala sa iyo. Yung mga bagay na dati natin pinag-uusapan. Mga bagay na nagpapatawa satin na kahit magkatinginan lang tayo, natatawa na tayong dalawa. Mga bagay na ikinasama ng mga loob natin dalawa dahil yun din ang dahilan kung bakit lagi tayong napupuyat.

Nung nagsimula tayo sa relationship naten, nagpromise tayo sa isa't isa. Sabagay lahat ng pangako ay ginagawa para hindi matupad. Pero sa lahat ng mga pinangako naten, naalala mo yung "walang matutulog ng mag-kaaway o masama ang loob"? Alam ko naalala mo yun kasi sa ating dalawa, ikaw ang lugi sa puyatan at ako naman ang laging talo sa iyakan. Iyakin ako eh. Nakakatawa lang kasi pag naiisip ko, lagi mo sinasabi "magagalit na ako pag di ka pa tumahan". Ako naman siyempre titigil sa pag iyak. Takot ko lang na magalit ka.

May nabasa ako sa facebook, sabi nung quote dun "Kahit na hindi mo balikan ang nakaraan, babalik at babalik ng kusa yan hangga't di mo binibitawan"

Alam mo, ayaw ko na sana umasa. Pero ang totoo, para na akong sirang plaka. Parang pirated na cd. Paulit ulit. Kunwari lang na nagpe play pero babalik at babalik pa din kung saan ako tumalon.

Araw araw, iniisip ko na babalik tayo sa dati, kahit na magkalayo tayo. Kahit madami ng araw nag dumaan na hindi tayo nagkikita.

Araw araw umaasa pa din ako. Kahit alam ko na hindi na dapat.


Posted at 11:57:32 pm by Milouganda
Make a comment